Friday, March 20, 2015

At Sa Pananalangin Ninyo Ay Huwag Ninyong Gamitin Ang Walang Kabuluhang Paulit-ulit

(Maling Aral Ng Katoliko 2)

"At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulit-ulit,"

Noong ako po ay nasa Katoliko pa eto ang isa pa pong evangelio ng panginoong hesus na ni minsan ay hindi binasa ng mga pari at mga mangangaral ng Iglesia Catolica Apostolica Romana (Katoliko).

Sa evangelio ni Mateo na inuutos ng Panginoong Hesukristo :

Mateo 6:7
7 At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka't iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila. 8 Huwag nga kayong magsigaya sa kanila: sapagka't talastas ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan, bago ninyo hingin sa kaniya.

Kung ganito ang kautusan ng Panginoong Hesus, hindi ba hayagan na pang iinsulto at pag suway ang mga paulit-ulit na panalangin na pinatutupad sa atin ng simbahang katoliko? At tayo ay tinuturan nila na insultuhin ang Dios na lumikha sa atin? Isipin ninyong mabuti mga kapatid eto po ay iniuutos na po sa atin ng panginoong Hesus para hindi tayo maligaw sa pananalangin sa Ama. Kung may takot sa Dios ang relihiyong Katoliko dapat ay maingat nilang inoobserba at sinusunod ang mga kautusan at palatuntunan ng Panginoong Hesukristo dahil ito ang kalooban ng Amang Dios.

Gaya ng sinabi ni Hesus, "sapagka't talastas ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan," kaya hindi na po pala natin dapat ulit-ulitin ang dasal at panalangin natin. Napaka makapangyarihan ng Dios at hindi pa natin hinihingi at iniisip ay alam na Niya. Kaya napaka liwanag po mga kapatid na ang itinuturo sa atin ng simbahang katoliko ay kung paano natin iinsultuhin ang Panginoong Dios sa pananalangin, na hindi talastas at nalalaman ng mga kapwa tao na miyembro ng simabahang ito. Sapagkat na bulag sila ng demonio o ng dios ng sanlibutan na ito gaya ng sinasabi ni Pablo sa mga taga Corinto:

2 Mga Taga-Corinto 4
4 Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.

At ako po ay nagpapasalamat sa Dios Ama at Panginoong Hesus na sa awa at biyaya Niya ay binuksan ang aking mga mata at puso. Lumiwanag ang evangelio ng Dios sa aking puso at isip. Salamat po Oh Dios...

Ang Salita at Karunungan din ng Panginoong Dios ang natuturo sa atin ng tamang pananalangin at sasabihin. At ito po ay na susulat sa Biblia na hindi tinuturo o sadyang hindi alam ng mga pari at mangangaral ng simbahang Katoliko. Dahil hindi sa kanila natutupad ang hula at tamang relihiyon na tinayo ng Panginoong Dios.

Ganito po ang sinulat ni Haring Solomon sa kalooban ng Dios:

Ecclesiastes 5:2
2 Huwag kang pakabigla ng iyong bibig, at huwag magmadali ang iyong puso na magsalita ng anomang bagay sa harap ng Dios; sapagka't ang Dios ay nasa langit, at ikaw ay nasa lupa: kaya't pakauntiin mo ang iyong mga salita.



Heto pa po ang isang turo ng Apostol Pablo kung paano mananalangin sa Panginoon:

Mga Taga-Filipos 4:6
6 Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios


Sana po kagaya ko lumiwanag ang katotohanan ng evangelio ng Panginoong Hesukristo sa tulong at awa ng Dios Ama. Idalangin din po ninyo na maliwanagan kayo at dalhin kayo ng Dios sa tamang landas at relihiyon na kanyang itinayo sa pamamagitan ni Hesukristo. Huwag po kayong maniniwala at magtitiwala basta sa mga mangangaral na hindi ninyo nalalaman na binulag na pala kayo ng kanilang pakunwaring salita at gawa subalit hindi naayon sa kalooban ng Dios.


Jeremiah 17:5
5 Ganito ang sabi ng Panginoon: Sumpain ang tao na tumitiwala sa tao, at ginagawang laman ang kaniyang bisig, at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon.

kagaya ng mga ganitong mga mangangaral na nagpapakitang tao upang madami silang ma iligaw na mga kawawang kaluluwa na mapupunta sa impiyerno.


kaya huwag na po tayong basta basta magtitiwala sa mga mangangaral na ang aral ay wala sa Biblia at hindi salita at kalooban ng Panginoong Dios. Tandaan po at baka tayo maparusahan dahil sa wala nating kamalayan sa pananampalataya. Kagaya ng mga sumasamba sa mga maling dios at aral kagaya ng sinabi ni Apostol Juan sa Apocalipsis:


Pahayag 14:9-11
9 At ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay, 10 ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: 11 at ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan

Karapatan ninyong mag suri upang kayo ay iligtas din ng Panginoong Hesukristo. Nawa ay samahan po kayo ng Panginoong Dios at Panginoong Hesus sa pagsusuri...

Lahat po ng Karangalan at Kapurihan ay tanging sa Dios po lamang....
TO GOD BE THE GLORY...AMEN



No comments:

Post a Comment