Sunday, March 22, 2015

Huwag Kang Magkakaroon Ng Ibang Mga Dios Sa Harap Ko

(Maling Aral Ng Katoliko 3)


"Huwag kang magkakaroon ng ibang mga Dios sa harap ko"

Hindi po ito binabasa at inaaral ng mga pari at mangangaral ng simbahang Katoliko sa mga miyembro dahil sila mismo ang mga unang lumabag sa kautusan na ito ng Panginoong Dios.

Malinaw na iniutos at ipinasulat kay Moises ng Panginoong Dios:

Deuteronomy 5:6-10
6 Ako ang Panginoon mong Dios na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. 7 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga Dios sa harap ko. 8 Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan na kawangis ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: 9Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila: sapagka't akong Panginoon mong Dios ay mapanibughuing Dios, na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak, sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng nangapopoot sa akin; 10At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.

Sa lahat ng aral ng katoliko, eto ang masasabi ko na pinaka masama sa lahat na nilabag ng simbahan. Madalas na ang katuwiran ng isang katoliko dito ay "hindi namin sinasamba ang larawan o rebulto, patukoy lamang sa Dios". Yan po ang rason ng isang katoliko sa paglabag nila sa kautusan na ito.

Isa po ako noon na nag ra-rason ng ganyan. Salamat sa Dios, binuksan Niya ang aking puso at isipan na ito po pala ay nakaka pighati sa Panginoon. Ang pag gawa po pala ng mg rebulto, dios-diosan, o larawang inanyuhan ay may kalakip na sumpa ng Dios na sinulat sa:

Deuteronomy 27:15
15 Sumpain ang taong gumagawa ng larawang inanyuan o binubo, bagay na karumaldumal sa Panginoon, na gawa ng mga kamay ng manggagawa, at inilagay sa dakong lihim. At ang buong bayan ay sasagot at magsasabi, Siya nawa.


Bakit po kaya sa palagay ninyo na hindi pinapangaral etong mga salita ng Dios sa mga tao? Dahil siguradong tatamaan at malalaman na niloloko lang nila ang mga kawawang mga miyembro.

Na kahit si Apostol Pedro na sinasabi ng simbahang Katoliko na unang papa sa Roma ay galit at na susuklam din sa pag gawa at pag samba sa mga rebulto o diosdiosan:


1 Pedro 4:3
3 Sapagka't sukat na ang nakaraang panahon upang gawin ang hangad ng mga Gentil, at lumakad sa kalibugan, sa mga masamang pita, sa mga paglalasing, sa mga kalayawan, sa mga kayamuan, at sa kasuklamsuklam na pagsamba sa mga diosdiosan:

Mula ng nalaman ko ang mga aral at na basa ko din sa Biblia, ay dali dali akong umalis sa pagiging katoliko dahil sa nakaka insulto po pala sa Panginoong Dios ang mga gawain at maling pag samba ng Iglesia na ito.

Mapapatunayan na hindi kinakasihan ng Dios ang simbahan o iglesia katolika sa banal na kasulatan:


2 Mga Taga-Corinto 6:15-17
15 At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial? o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya? 16 At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan? sapagka't tayo'y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan. 17 Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayo'y aking tatanggapin,

Heto pa po ang isang Salita ng Panginoong Dios na napaka tibay po na hindi Siya nalulugod sa ginagawa ng mga katoliko na pag samba sa mga diosdiosan:

Isaiah 42:8
8 Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.

Na ipinangaral din ni Apostol Pablo na ang mga sumasamba sa diosdiosan ay hindi magmamana ng buhay na walang hangan o kaharian ng Dios:

Mga Taga-Galacia 5:19-21
 19 At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan, 20 Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, 21 Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios


At eto po ang wakas ng mga naka anib sa ganyang religion, sa dagat-dagatang apoy (impierno):

Pahayag 21:8
8 Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.


Mag isip at mag suri po tayong mabuti mga kapatid. Dati rin po akong Katoliko at lubos akong nagpapasalamat sa Dios sa pananalangin ko ng matyaga, hiningi ko sa kanya na dalhin Niya ako sa katotohanan at ganun nga po ang kanyang ginawa. Salamat sa Dios :



TO GOD BE THE GLORY.....

BABALA ! (WARNING)



Huwag po kayong gagaya sa mga bulag na ito !



No comments:

Post a Comment