Tuesday, March 24, 2015

Huwag Ninyong Tawaging Inyong Ama Ang Sinomang Tao Sa Lupa


(Maling Aral Ng Katoliko 1)


"Huwag Ninyong Tawaging Inyong Ama Ang Sinomang Tao Sa Lupa"
Eto po ang isa sa pangaral at kautusan ng Panginoong Hesukristo sa evanghelio ni Mateo.


Mateo 23:9
9 At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit

Na hindi ipinangangaral ng mga namumuno o Leader ng simbahang katoliko, na sila mismo ay direktang nilalabag ang kautusan ng panginoong Hesus. Paka tandaan po natin na sinabi ni Hesus na lahat ng kanyang sinasabi ay pawang kautusan ng Dios Ama.

Ang sabi ng panginoong Hesus sa evanghelio ni Juan ay :

Juan 12:49
49 Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain. 


Samakatuwid po ay ang Dios Ama ang nag uutos na huwag nating tatawaging ama ang kahit na sinong tao sa lupa. Ibig sabihin po ba nito kasama ang ating ama sa laman (tatay)?. Ang binabanggit po dito ng Panginoong Hesus ay sa pananampalataya. Sapagkat Siya din po ang nag utos na igalang natin ang ating ama at ina. Kaya hindi maganda at tamang pakinggan na ang isang anak ay tatawag lamang sa pangalan ng kanyang ama(tatay) at ina(nanay) sa laman.


Mga Taga-Efeso 6 :1-2
1 Mga anak, magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka't ito'y matuwid. 2 Igalang mo ang iyong ama at ina (na siyang unang utos na may pangako), 3 Upang yumaon kang mabuti, at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa.


Bakit po kaya ang mga Paring(Priest) Katoliko ay nagpapatawag ng "Father" o "Ama"? Hindi ba ito'y hayagang pang iinsulto sa Makapangyarihang Dios na lumikha ng Langit at ng Lupa? May kautusan po tungkol dito, Bakit nila nilalabag? Hindi ba sila natatakot sa Dios? Kung ako ang mangangaral, hindi ako patatawag ng ama kahit kanino, kung hindi Kapatid lamang. Sapagkat lahat ng tao ay hinirang na magkakapatid at  kahit ang panginoong Hesus ay hindi nag patawag ng ama at Siya ay itinalaga ng Dios Ama na panganay sa magkakapatid.
Mga Taga-Roma 8 :29
29 Sapagka't yaong mga nang una pa'y kaniyang nakilala, ay itinalaga naman niya na maging katulad ng larawan ng kaniyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid:

Napaka dami pong mga kautusan sa Biblia na nilalabag ng relihiyong Katoliko o Apostolica Catolica Romana, na siya kong isusulat sa mga susunod ko na post. Sana ay abangan po ninyo para kagaya ko iniwan ko na ang pananampalatayang Katoliko sa tulong at awa ng Dios sa pamamagitan ni Hesukristo.

May kautusan po ang Dios sa mga tao na mag suri tayo ng espiritu o relihiyon para hindi tayo maligaw sa pananampalataya.

1 Juan 4:1
1 Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan.


Nawa ay samahan kayo ng Panginoong Dios sa paghahanap ng katotohanan. Pakatatandaan po natin na kapag nag hukom ang Dios at napahamak ang kaluluwa natin sa impierno ay hindi na ito mababawi pa. Mag iingat po tayo, lagi po tayong dumalangin sa Dios sa pangalan ni Hesus upang tayo ay dalhin nya sa tamang landas at tamang Iglesia(Church) na Dios ang nagtayo at hindi tao lamang.

Isang Hula at eksena po sa impierno na pupuntahan ng mga maling mananamba at sa maling dios sila sumasamba...

Pahayag 14:9-11
9 At ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay, 10 ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: 11 at ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan


Magsilayo po kayo sa kanila mga kapatid hangga't buhay tayo ay may pag asa pa na magbalik loob sa Dios na lumikha sa atin.

To God be the glory...........Amen.......

No comments:

Post a Comment